Ako si Juan Tamad: Da Retern op da Kambak!

Kung may New Moon ang Twilight, may Judgment Day ang Terminator, at may Meet the Fockers ang Meet the Parents, syempre meron ding Da Return op da Kambak ang dating Ako si Juan Tamad (http://ako-si-juan-tamad.blogspot.com)!

*plugin* (Piktyur ni Juan Tamad) ====>

Madaming klase ng tamad -- kadalasan pa mga estudyante. Mga taong tamad gumawa ng asyanment, keys stadis, pradyekt, term peyper, tisis, at naaaaaapakawalang-kwentang blog ng katamaran.

Kaya nga't nandito si Juan Tamad eh. Ang idolo ng lahat ng pinoy na walang ibang ginawa kundi sayangin ang buhay nila sa katamaran.

Ngunit tamad nga bang talaga ang mga pinoy? O' di kaya'y bunga lang ito ng pagkakaalipin natin sa iba't ibang bayan. O' baka naman nagpapahinga lang. O di kaya'y nanonood pa ng laban ni Pacquiao.

Pero kung ano man ang tunay na dahilan, siguradong mapapatunayan din nating di tamad si Juan. Ikaw? Tamad ka ba?

0 comments:

Post a Comment